Minsan May Isang Puta…Isang Kwento
Tingin ng mga bobong kapitbahay ko puta daw ako.
Nagpapagamit, binabayaran. Sabi nila ako daw ang
pinakamaganda at pinakasikat sa aming lugar
noon
.
Ang bango-bango ko daw, sariwa at makinis. Di ko
nga alam kung sumpa ito, dahil dito naletse ang
kinabukasan ko.
Tara
makinig ka muna sa kwento ko, yosi muna tayo.
Alam mo, maraming lumapit sa akin, nagkagusto,
naakit. Ang hirap pag lahat sa iyo virgin eh.
Tinanggap ko naman silang tao, bakit kaya nila ako
ginago? Masakit alalahanin, iniisip ko na lang na
kase di sila taga rito, siguro talagang ganoon.
Tatlong malilibog na foreigners ang namyesta sa
katawan ko, na-rape daw ako.
Sa tatlong beses akong nagahasa, ang pinakahuli
ang di ko makakalimutan. Parang maski di ko
ginusto ang mga nangyari, hinahanap-hanap ko siya.
Tinulungan nya kasi akong makalimutan yung mga
sadistang Hapon at Coo. Kase, ibang-iba ang
hagod niya. Umiikot ang mundo ko sa tuwing
ginagamit niya ako. Ibang klase siya mag-sorry,
lalo pa at kinupkop niya ako at ang mga naging
anak ko.
Parating ang dami naming regalo - may chocolates,
yosi, ano ka! May datung pa! Nakakabaliw siya,
alam kong ginagamit nya lang ako pero pagamit
naman ako nang pagamit. Sa kanya namin natutunan
mag-inggles, di lang magsulat ha! Magbasa pa!
Hanggang ngayon, sa tuwing mabigat ang problema
ko, siya ang tinatakbuhan ko. ‘Yun nga lang, lahat
ng bagay may kapalit. Nung kinasama ko siya,
guminhawa buhay namin. Sosyal na sosyal kami.
Ewan ko nga ba, akala ko napapamahal na ako sa
kanya. Akala ko tuloy-tuloy na kaligayahan namin,
yun pala unti-unti niya akong pinapatay. P*** ng
I**! Sa dami ng lason na sinaksak niya sa katawan
ko, muntik na akong malaspag. Ang daming nagsabi
na ang tanga tanga ko. Patalsikin ko na daw. Sa
tulong ng mga anak ko, napalayas ko ang animal
pero ang hirap magsimula. Masyado na kaming
nasanay sa sarap ng buhay na naranasan namin sa
kanya. Lubog na lubog pa kami sa utang, kulang ata
pati kaluluwa nami n para ibayad sa mga inutang namin.
Sinikap naming lahat maging maganda ang buhay
namin. Ayun, mga nasa
Japan
, Hong Kong, Saudi ang
mga anak ko. Yung iba nag-US,
Europe
. ‘Yung iba
ayaw umalis sa akin. Halos lahat, wala naman
silbi, masaya daw sa piling ko, maski amoy usok ako.
Sa dami ng mga anak ko na nagsisikap na tulungan
ang kalagayan namin, siya din ang dami ng mga anak
ko na namamantala sa kabuhayan at kayaman na
itinatabi ko para sa punyetang kinabukasan naming
lahat. Dumating ang panahon na di na kami halos
makaahon sa hirap ng buhay. Napakahirap dahil
nasanay na kami sa ginhawa at sarap.
Ang di ko inaakala ay mismong mga anak ko, ang
tuluyang sisira sa akin. Napakasakit tanggapin na
malinlang. Akala ko ay makakakita ako ng magiging
kasama sa buhay sa mga ahas na ipinakilala ng mga
anak ko Hindi pala. Ang tanga ko talaga. Binugaw
ako ng sarili kong mga anak kapalit ng kwarta at
pansamantalang ginhawa na nais nilang matamasa.
Wala na akong naga wa dahil sa sobrang pagmamahal
ko sa aking mga anak. Wala akong ibang yaman kundi
ganda ko. Pinagamit ko na lang ng pinagamit ang
sarili ko, basta maginhawa lang ang mga anak ko.
Usap-usapan ako ng mga kapitbahay ko. May
nanghihinayang, namumuhi at naaawa. Puta na kase
ang isang magandang tulad ko.
Alam mo, gusto ko na sanang tumigil sa pagpuputa
kaso ang laki talaga ng letseng utang ko eh.
Palaki pa ng palaki. Kulang na kulang. Paano na
lang ang mga anak ko naiwan sa aking punyetang
puder? Baka di na ako balikan o bisitahin ng mga
nag-abroad kong mga anak. Hindi na importante kung
laspagin man ang ganda ko, madama ko lang ang
pagmamahal ng mga anak ko. Malaman nila na gagawin
ko ang lahat para sa kanila.
Sa tuwing titingin ako sa salamin, alam ko maganda
pa rin ako. Meron pa din ang bilib sa akin.
Napapag usapan pa din. Sa tuwing nakikita ko ang
mukha ko sa salamin, nakikita ko ang mga anak ko.
Tutulo na lang ang mga luha ko ng di ko
namamalayan. Ang gagaling n ga ng mga anak ko,
namamayagpag kahit saan sila pumunta. Mahusay sa
kahit anong gawin. Tama man o
mali
. Proud ako sa
kanila. Kaso sila, kabaligtaran ang nararamdaman
para sa akin.
Sa dami ng mga anak ko, iilan lang ang may
malasakit sa akin. May malasakit man, nahihilaw.
Ni di nga ako kinikilalang ina. Halos lahat sila
galit sa isa’t isa. Walang gusto magtulungan,
naghihilahan pa. Ang dami ko ng pasakit na tiniis
pero walang sasakit pa nung sarili kong mga anak
ang nagbugaw sa akin. Kinapital ang laspag na
ganda ko. Masyado silang nasanay sa sarap ng
buhay. Minsan sa pagtingin ko sa salamin, ni hindi
ko na nga kilala sarili ko.
Dadating na naman ang pasko,
sana
maalala naman
ako ng mga anak ko. Isang buwan pa, magbabagong
taon na. Natatakot ako sa taong darating. Ngayon
pa lang usap usapan na ang susunod na pagbubugaw
ng ilan sa mga anak ko.
Sana
may magtanggol naman
sa akin, ipaglaban naman nila ako. Gusto kong
isigaw: "INA NINYO AKO! MAHALIN NYO NAMAN AKO!"
Sige, dumadrama na ako. Masisira na ang make up ko
nito eh. Salamat ha, pinakinggan mo ako.
Ay sorry, di ko nasabi pangalan ko.
PILIPINAS nga pala.
September 5th, 2008 at 6:36 am
kayo po ba ang writer ng kwentong ito?
September 17th, 2008 at 2:41 am
nope he is not^^
hnde nagpakilala ung writer nyan…Ü
October 6th, 2008 at 12:15 am
yup. hindi nga ako ang author mga igan.. ipinasa lang sa akin ng isang kaibigan na wala ring nakalagay na author. na antig ako sa kwento kaya ko pinost.. kung sino man ang author nito. tiyak na mahahalikan ko sya.. saludo ako.. magaling ka! isa kang henyo.
November 18th, 2008 at 11:15 pm
… + sino man ung author nito msobrang ganda
November 18th, 2008 at 11:18 pm
ive heard it to Ms. Bolante……. frm BSN 1Y1-28
November 21st, 2008 at 9:40 pm
yan ang story pilipino ang anak malamang isa ako dun
February 11th, 2009 at 5:46 am
i really like this story.. it really shows how we treated our country and its helping us rebuild it again..
February 17th, 2009 at 5:36 am
nkktOuch un stOry nA tOh.! aklA mO sa UmpisA TAO un tnu2koi nyA bUt in d end… BAnsAng PilipinAS plA un tinu2koi nyA.! asteeeg…
ive heared this stOry frOm my beloved FILIPINO 1 teacher in FAtimA ValenzUlea she is Mrs. Jacqueline Bolante!
tenkz ma’Am!
at gUdlAk sa AuthOr ne tOh!
April 7th, 2009 at 1:05 am
ganda ng storya! bilib ako sa ngsulat!isa kang makata!
May 25th, 2009 at 4:26 pm
I think the writer is Mike Portes, add him on Facebook
July 1st, 2009 at 1:52 am
nice. ganda ng story.
July 13th, 2009 at 2:26 am
BTW I’m a she
a bonafied certified mother
July 17th, 2009 at 10:16 pm
It never fails to amaze me that this article is still circulating after 6 years since I wrote it. I wrote it in disgust of the fiesta elections that paved the way to the present administration.
The article was first published in peyups.com and has evolved to
it’s 2007 version at passionoverdrive.blog.friendster
To the FILIPINO TEACHER at Fatima Valenzuela, MRS. JACQUELINE BOLANTE. I am greatly honored that you chose to read my article to your students. You have pandered the youth’s hunger for the unconventional and fed them the love of country.
July 29th, 2009 at 1:14 am
ui ang ganda naman!
July 31st, 2009 at 11:39 pm
ganda tlga pramizz…. kanina ko lng nlman kay maam jacqueline bolante..
July 31st, 2009 at 11:42 pm
ganda tlga pramizz sna maging proud ka sa srili mo..
…. kanina ko lng nlman kay maam jacqueline bolante..
August 1st, 2009 at 5:46 am
– aunn ,
nina qu lng din yann nrinig enn ,,
i heard it from my teacher in Filipino
* mrs. jacqueline bolante is the name ,
1st i thought it was a story about
a stripper ?? or what we call this , ” BAYARAN”
but story is about our country ,
* xuperr ganda ,
na sad aku sa story ,
lalu na nan cnabi sa huli na neym nia is “PILIPINAS”.
— xare lann *:]]
k h a t x ♥
August 7th, 2009 at 5:54 am
korek.. ang gnda… tnx ky mrs. jacqueLine boLante.. nkktouch un story.. :)) un bnbsa nya un, dq akLaing bansa paLa un tnutukoy.. ang gLng ng author,,,
October 6th, 2009 at 10:23 pm
salamat sa pagsi-share ng kwento mong natuklasan!magandang paraan yung story para iparating sa atin ang lagay ng bansa sa paraang nakaka aliw basahin!